At, dahil mahilig ako sa mga post kung saan gusto kong napapahiya ang sarili ko, isa pang post na makahagis-dignidad lang tayo!

Itong partikular na kwento, Ate Charo, ay nagsimula kinagabihan nung bigla akong naglihi at naghanap ng makakain. Buti na lang at nandiyan ang everlasting friendship kong kapit-tindahan na si Ditseng Fely na nagtitinda ng lumpia sa kalagitnaan ng hatinggabi. Bili lang naman po akong isang pataygutom, at pagkatapos mabusog ay natulog kaagad. Bangungot ba? Kebs!
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa kirot ng aking intestines. Nagsisimula na pala ang giyera sa pagitan ng North at South Korea sa aking digestive system, pero kailangan kong bilisan ang pag-deposit ng sama ng loob ko, kasi male-late na ako sa pinag-o-OJT-han ko kapag nag-petiks-petiks pa ako. Kaya, hala! Sige! Ligo! Buhos! Bihis! Takbo!
Pagbaba ko ng bus pasakay ng MRT, may naramdaman akong hindi kanais-nais at hindi katanggap-tanggap. Pero, sabi ko sa aking sarili na may paninindigan, "Isang oras lang ang hihintayin ko at makakarating na ako sa opisina, at doon ay maaari na akong magpakawala ng hindi kaaya-ayang saloobin." At, habang nasa MRT na ako at naghihintay ng pagkakataong makipaggitgitan, naramdaman ko ang hindi pag-sang-ayon ng tadhana sa akin. Ganitong may balak na ako na bumalik at magtago sa lungga ko na may natitirang dignidad pa, pero nanghinayang ako sa stored value ko kasi na-insert ko na sa turnstile.
Kaya, sinabi ko sa aking sarili na may tatag ng loob, "Isang oras lang ang hihintayin ko at makakarating na ako sa opisina. Konting tiis lang."
Pero, nagkamali ako.

Hindi ko nakayanan. Hindi ko mapigilan. Hindi ko maiwasan. Ang tadhana ay isang taksil!
Kailangan kong bumaba, at ilayo sarili ko sa napipintong kahihiyan. Buong-buo ang isip ko na bumaba kaagad ng Cubao, at magtago sa mall! Iyong stored value ko? Kebs! Ebs na ebs na ako!
Pero, bago ako lumabas ng turnstile, nakita ko sa kasuluk-sulukan ng pinakamadilim na gilid ang pag-asa. Kahit nakalagay na pag-disabled lang iyon, kebs! Doon na ako inabutan ng tadhana, sa iniipis na disabled CR ng MRT station sa may Araneta-Cubao.
Paglabas ko, may nakapansin sa akin na pinagpapawisan at hindi mapakali. Pakialam ko sa kanya, kebs na lang! Kaunting kahihiyan lang, hindi ba‽
Ayun! Kill me!